Taming of The Shrew
Iritadong iritado ako sa araw ko kahapon. Halos lahat ng "friends" ko na guy ay inaway at inaway rin nila ako. Alam mo yun, yung feeling na, nung last weekend lang eh ayos na kami lahat, tapos ngayun, sira nanaman.
Simulan natin kay *tooot*. Itago na lamang natin sia sa pangalang "Jas". Nakakainis lang kasi sinabi niyang ang itim ko daw. oo, tanggap ko, black beauty (haha) ako, pero dapat ba naman ako bastusin? K. Buti na lang nagka-ayos kami agad, kasi hindi sia marunong mag-tanim ng galit. SHET, kilig naman ako.
Pangalawa, si .. itago natin sia bilang si "J". Eh kasi, habang Bio time, binat0 ko sia ng paper, habang natutulog sia. K. Di nia alam na ako bumato. Tapos nun, nag-paper chat kami. Minura ko sia. And mahabang usapan. At madaming irap mula saking mata. Sa end, di rin kami nag-kaayos, kasi mukhang galit siya sakin, pero tandaan niyo ito, mas galit ako sa kanya. K.
Pangatlo, Si "B". Eh kasi, close kami nun dahil sa scouting. Tapos, sinabi ko kasi sa kanya nung lunch na napanaginipan ko siya. Napahiya ako kasi somewaht hindi siya nakinig. Ang masama pa dun, ibang seksyon siya. Nakaka-bwisit lang naman. Tapos nung scouting pinipilit niya ako i-kwento yung panaginip ko, tapos eh yuun. Nagtampo kasi ako. Yung tipong galit ka na, gagalitin ka pa niya. Tapos, hinahampas niya ako, hinampas ko rin siya later, with bamboo stick pa. Then yun. It was not a good ending.
Pang-apat, si "MB" nakakainis lang naman, ang galing niya mag-sinungaling. Kasi ba naman, bakit ko pa siya pinautang? Eh samantalang manggagamit lang naman ata yung taong yun. Imba talaga pag pang-ibig. Ginagawa kang tanga at bobo.
Pang-lima, si Kuya Ace, yung Math Tutor ko. Nakakainis kasi, lahat ng yan, nagyari sa araw ko, tapos, dadagdag pa siya. Kasi, inantay ko siya, dahil hanggang 6pm ang CAT nila, para lang ibigay yung sweldo niya. Actually, mabigat yung loob ko antayin siya kais gusto ko na mag-pahinga at BV pa ako dahil sa tatlong guy na yan. Ayun, nung pagka-recieve niya nung bayad niya, ok na, nakipag-kwentuhan ako kay Kuya Japhet, but still, he's still in my territory. Tapos, sabi niya sakin, UNTAMABLE dao ako. K. Nasaktan ako, pagod ka na, broken-hearted ka pa, sira pa araw mo, dadagadagan niya pa. Tapos, nag-rason pa siya. Oo, makulit ako, pero bat kailangan niya pa sabihin yun, sa harap pa talaga ni Kuya Japhet at ni Ate Hillary, kakakilala ko lang sa kanya. Tapos, yung feeling na hindi ka kumain mabayaran lang siya kasi yung taong may utang sayo eh di ka pa nabayaran, nakakairita. Yung mag-antay ka pa for hours para ibigay yun, shet, di ko na ata kakayanin. Parang nag-anatay ka lang para insultuhin. Kung hindi lang talaga malaki pangangailangan ko sa Math eh nag-give up na ako. Salamat nag pa sa libreng lait. At yon, it was a happy but sad day at all. Ok, nakikigamit lang ako ng laptop.Thank you, Blogger.
With Matching Tears,
Gian :'(
Photo 1 : Link Here
No comments:
Post a Comment